profile
i am a person who loves life and enjoys it as much as i could. i love falling in love and being in love even with the simplest delights of life. i hope to inspire other people and be inspired by them.
tama nga talaga yung advertisement sa GMA news TV. Think before you click. Hindi porket may internet at may facebook/twitter ka eh ma-papractice mo na ang FREEDOM of EXPRESSION. May mga bagay kasing hindi mo pwedeng ipangalandakan sa social networking sites na ito.
1. Pwede mong ipangalandakan ang pagmamahal mo sa isang tao pero kung Third party ka, mas makabubuting maging discreet ka sa nararamdaman mo dahil hindi tama ang relasyon na meron ka.
2. Pwede mong ipagsigawan kung gaano ka kapagod sa trabaho o sa eskwela. kahit ibigay mo pa ang bawat detalye nito pero wag na wag mo i-post kung gaano ka kabwisit na bwisit sa boss mo o sa teacher mo. Tandaan, halos lahat ng tao may facebook na. Modern na tau teh.
3. Kung professional ka, act like a pro. use proper terms and siguro katanggap-tanggap na mga pananalita. Masisisra ang pro image mo. mas mabuti pa siguro yung mga walang pinag-aralan kesa sa’yo.
Think before you click. Ito siguro yun dapat ma-practice nating lahat. May Freedom tayo pero syempre, may limitasyon din ito.
